Ayon sa mga pag-aaral nina Johnson at Brown (2020), ang kakulangan sa sapat na kagamitan pangturo ay mas malaki ang epekto sa mga estudyanteng nagmumula sa mga pamilyang mahihirap. Dahil kulang sa pondo ang ilang paaralan, hindi nila naibibigay ang mga kailangang materyales sa pagtuturo, na nagiging sanhi upang lumawak pa ang agwat sa edukasyon at lumala ang hindi pagkakapantay-pantay sa resulta ng pag-aaral.
Dagdag pa ni Sharma (2019), kapag walang mga kagamitang nakakaintriga o iba't iba sa klase, nawawalan ng gana ang mga estudyante sa kanilang mga aralin. Kapag paulit-ulit lamang at walang interaktibong nilalaman ang mga leksyon, nagiging boring ito kaya bumababa ang motibasyon ng mga mag-aaral na makibahagi o maging aktibo sa klase.