Ayon sa pag-aaral ni Dela Cruz (2019), ang paggamit ng iba't ibang anyo ng kagamitang pampagtuturo gaya ng mga visual aids, materyales na pang-audio, at mga interaktibong kagamitan ay mahalaga para mabilis na maipaliwanag ang mga aralin at mapanatili ang atensyon ng mga estudyante. Batay naman sa observations ni Reyes (2019), ang mga kagamitang tulad ng larawan, tsart, video, audio resources, at interaktibong kagamitan ay epektibong mga paraan upang mas mapalalim ang pag-unawa ng mga mag-aaral. Isa sa mga pangunahing salik sa mababang antas ng pagkatuto ay ang kakulangan sa kalidad at angkop na paggamit ng mga kagamitan sa pagtuturo, kung saan kadalasan ay may kakulangan sa bilang ng kagamitan o hindi ito tumutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral, tulad ng kakulangan sa makabagong teknolohiya o sapat na antas ng interaktibidad.