Ayon kay Quisumbing (2000), ang kagamitang pampagtuturo ay isang malawak na konsepto na sumasaklaw mula sa mga tradisyunal na pisikal na kagamitan hanggang sa mga makabagong teknolohikal na kagamitan. Kasama sa mga tradisyunal na kagamitan ang mga pisara, larawan, at flashcards. Samantalang kabilang naman sa mga modernong kagamitan ang mga computer at iba pang multimedia tools.
Ang mga kagamitang ito ay mahalaga dahil nagsisilbi silang tulay upang mas maipaliwanag at maipakita nang mas malinaw ang mga konsepto at aralin na nais matutunan ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan nito, nagiging mas epektibo ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto dahil nakakakuha ang mga estudyante ng mas malinaw at konkretong representasyon ng mga aralin.
Reference:
Quisumbing, E. (2000). Alternative Approaches to the Teaching of Science and Technology. National Book Store, Manila.